During a recent press visit on the set of Walang Hanggan, Coco Martin shared how much he enjoyed shooting scenes in Milan together with his co-star Dawn Zulueta for almost two weeks. He was proud of the fact that many Filipinos there were happy to accommodate them and even gave them shopping money to boot.
“Ang swerte ko talaga dahil bukod sa kasama ako ni Ms. Dawn, first time kong nakarating sa Rome at Milan. Tapos habang nagsyu-shoot kami, halos lahat ng mga location namin e libre. Kasi ang mga kababayan natin doon, ang bait-bait sa amin. Sila pa mismo ang nagsasabing sa kanila kami magsyu-shooting,” he began.
The multi-awarded actor didn’t mind multitasking since there were limited crew who flew in with them. “Pakiramdam ko gumagawa kami ulit ng isang indie movie, kasi walang artista sa amin, walang director, lahat kami nagtatrabaho. Kami-kami lang ang nagbubuhat ng mga gamit, kaya ang saya-saya ng bonding. Tapos lahat kami magkakasundo. Kaya kahit sobrang hirap dahil naghahabol kami ng oras at location, worth it naman.”
The multi-awarded actor also took the chance to bond with Dawn who was one of his favorite actresses while growing up. “Lalo na kung may chance na nagse-set-up pa, ikinuwento ko sa kanya na mahilig talaga akong manood ng mga love story [at] pinapanood ko yung Hihintayin Kita Sa Langit. Sobrang ganda talaga ng pelikulang yun. Kaya naikuwento ko rin yung henerasyon namin ngayon sa indie. ‘Diba po ang daming mga magandang indie, tapos nung time nila noon ni Richard (Gomez) ang dami nilang ginagawang pelikulang magaganda? Kasi laki ako sa lola kaya lagi akong nakakapanood ng mga pelikula nila ni Dawn nung araw. Kaya sabi ko nga, ang galing-galing at ang ganda-ganda niya.”
When asked to differentiate Dawn’s acting skills from that of Lorna Tolentino’s, whom he previously worked with in Minsan Lang Kita Iibigin, Coco wisely stated, “Ang hirap pagkumparahin silang dalawa. Pareho silang maganda at magaling. Doon ako masuwerte kasi nabigyan ako ng pagkakataon na makasama ko silang dalawa. Marami akong natutunan sa kanilang dalawa. Sabi ko nga, minsan sana, huwag lang akong malaglag, at makasabay man lang sa acting sa kanilang dalawa. Kasi kapag makakaeksena mo na silang dalawa, sa sobrang galing nila, matutulala ka talaga. Siyempre kinakabahan pa rin ako kasi lang taon pa lang naman ako sa industry.”
by: Rachelle Siazon, push.com
0 comments:
Post a Comment